Una sa Balita

SBP, titimbangin kung aapela sa FIBA sanction — Angara

By
0 790

INAASAHAN na ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) chairman at Senator Sonny Angara ang ipinataw na parusa ng FIBA sa ilang manlalaro at coaches ng Gilas Pilipinas dahil sa nangyaring basketbrawl sa pagitan ng koponan at ng Australia Boomers nitong Hulyo 2 sa Philippine Arena.

Ayon kay Angara, hinihintay lamang nila ang hatol ng FIBA at handa naman nila itong tanggapin.

“The SBP expected sanctions on the aftermath of the Gilas-Boo­mers incident last July 2 at the Philippine Arena.

In fact, the group and the Basketball Australia immediately issued a joint statement apologizing for the actions displayed in the game,” ayon sa ipinadalang statement ni Angara sa manunulat na ito.

Paliwanag ng SBP chairman, pinag-aaralan pa nila ang desisyon at tinitimbang kung aapela sila rito.

“We are now studying the implications of the sanctions and is open to appealing certain portions of the decision,” dagdag ng senador, isa ring basketball player para sa koponang Senate Sentinels sa liga ng UNTV Cup 2018.

Suspendido sa mga laro ng 2019 FIBA World Cup Qualifiers sina Japeth Aguilar at Matthew Wright (tig-isang laro); Terrence Romeo, Jayson Castro, Andray Blatche at Troy Rosario (tig-3 laro); RR Pogoy, Carl Bryan Cruz at Jio Jalalon (tig-5 laro) at Calvin Abueva (6 na laro).

Si assistant coach Jong Uichico ay suspendido ng tatlong laro habang si coach Chot Reyes ay suspendido ng isang laro kabilang ang mul­tang katumbas ng lampas kalahating milyon.

Pinagmulta naman ang SBP ng halagang katumbas ng lampas P13 milyon. ()