Una sa Balita

SBP-MVP ‘di maka-move on, aapela sa FIBA

By
0 1,585

SA tinutumbok ng pahayag ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), mukhang nag-iipon sila ng sapat na basehan para umapela sa FIBA.

Ito ‘yung desisyon ng world governing body sa mga sangkot sa riot noong July 2 sa Philippine Arena sa home game ng Gilas Pilipinas kontra Australia sa 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Huwebes nang gabi ay naglabas ng statement ang SBP, sinasabing hindi na sila magpapadala ng team sa Asian Games sa Indonesia sa Aug. 18-Sept. 2.

Kinahapunan lang ay nagkasundo ang PBA Board na core ng Rain or Shine ang magdadala ng bandera ng Pilipinas sa Asiad, si Yeng Guiao ang tatayong coach.

Kinagabihan ay big­lang umatras ang SBP.

Hindi raw ‘optimal’ – pinakamainam o pinakamaganda – na magpadala ng team sa Asiad.

Lumabas ang desisyon ng FIBA nitong July 19, suspendido ang 10 miyembro ng Gilas at pinagmumulta ang SBP at si coach Chot Reyes ng (Swiss franc) 260,000.

May 14 araw ang SBP simula noong Hulyo 19, pati ang Basketball Australia, para umapela.

Hindi lang malinaw kung ano ang iaapela ng SBP – ang multa o suspensiyon, o pareho.

Tanging sa 2019 FIBA World Cup Qualifiers lang epektibo ang suspensiyon, hindi kasama ang sa iba pang liga tulad ng sa PBA at Asian Games.