Una sa Balita

SBP gagawin ang lahat para ibalik si Clarkson

0 548

Gagawin lahat ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para makuha ulit ang serbisyo ni NBA star Jordan Clarkson para sa 2019 FIBA World Cup sa China sa Agosto.

Pinangunahan ni former NBA player Andray Blatche ang atake ng Team Pilipinas para gibain ang Kazakhstan 93-75 sa Astana Lunes ng madaling-araw para makasampa ulit sa World Cup sa ikalawang sunod na pagkakataon.

Naglaro na si Clarkson para sa Pilipinas sa nagdaang 2018 Asian Games, subalit ang World Cup ay nasa ilalim ng FIBA rules na nagka-classify sa player bilang “naturalized” dahil nakakuha lamang siya ng Filipino passport paglampas niya ng edad 16.

Nililimita rin ng FIBA sa isa lamang “naturalized” player ang bawat team kaya maiipit ang Pilipinas kina Jordan at Blatche, na isa ring naturalized Pinoy.

Gayunman, gagawin lahat ng SBP para makumbinsi ang FIBA na tanggapin si Clarkson bilang Filipino citizen at hindi naturalized.

“We have been trying to convince or discuss the matter with FIBA,” kuwento ni SBP president Al Panlilio sa Agence France Presse o AFP. “Everyone is working on the matter and we will do everything we can to make it happen.”

“Based on our constitution, he is Filipino. He has a passport. But he got it after he was 16 years old,” dagdag ni Panlilio.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy