SBMA chair pinasisibak kay PDU30

By

Tahasang ­nanawagan ang mga residente ng lungsod ng Olongapo at mga empleyado ng Subic Bay Metropolitan Autho­rity (SBMA) kay Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin na sa puwesto si Martin Diño dahil hindi umano ito epektibo bilang chairman.

Ayon sa ilang mga SBMA employee na nakapanayam ng Abante, mas lalo lang nalalagay umano sa kompromiso ang freeport zone dahil na rin sa ilang mga iregu­laridad na kanyang ipinatutupad sa SBMA tulad na lamang ng pag-iisyu ng administrative order no. 1-2017.

Tila nauwi rin umano sa wala ang malaking gastos sa kanyang sunud-sunod na mga foreign trips na mula sa kaban ng ba­yan nang wala namang malinaw na accomplishments ayon mismo sa kanyang mga board of directors.

Dalawang magkahiwalay na kasong malversation, grave abuse, at conduct unbecoming of a public official ang isinampa rin sa tanggap­an ng Ombudsman laban kay Diño at isa pang kasong kriminal sa Olongapo City Prosecutors Office na inihain naman ng isang driver. 

SHARE