Una sa Balita

SBC, CSB paborito sa NCAA table tennis

0 178

NAIS pahabain ng San Beda ang pagrereyna sa women’s division habang target ng College of Saint Benilde ang ikaa­nim na sunod na men’s crown sa paghataw ng 95th NCAA table tennis tournament Sabado sa JRU gym.

Binutata ng Lady Red Paddlers ang Letran noong isang taon, 3-0, at hinirang na Most Valuable Player si Angel Sanchez.

Samantala, raragasa rin ng ika-anim na kampeonato ang College of Saint Benilde sa men’s division kahit gradweyt na ang ace player nilang si five-time MVP Ryan Jacolo.

Panalo ang CSB kontra Letran, 3-1, para mapanatili ang korona last season.

Sa juniors division, paborito ang Letran, na tinalo ang San Beda sa Season 94 Finals sa pangunguna ni MVP Matt Andrew Ramos, na mapanatili ang titulo. (Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy