Una sa Balita

SB19 super sikat na, namayagpag sa Billboard

0 1,150

Nagbunyi ang mga fan para sa kauna-unahang Filipino band na nakapasok sa Billboard Social 50 Top 10. ‘Yan ay ang all-male group na SB19 na binubuo nina Sejun, Josh, Stell, Ken, at Justin.

Bukod pa sa achievement na ‘yan, pasok din sa dalawa pang Billboard charts gaya ng Next Big Sound (pang-12) at Billboard Emerging Artists (pang-49) ang naturang grupo nitong nakaraang linggo lamang.

Naisakatuparan nga ang bahagi ng kanta nilang “Go Up” na may lyrics na “Yeah we gonna go up” dahil tuloy-tuloy ang pang-angat sa karera ng naturang grupo.

“A’TIN! We know na kayo ang dahilan kung bakit patuloy ang natatanggap nA’TINg good news! Taos-puso kaming nagpapasalamat sa inyo.

SB19 <3 A’TIN” wika pa ng grupo sa kanilang official Instagram account.

Bumuhos naman ang pagbati ng mga fan sa grupo ng “congratulations”, at tuloy-tuloy din ang mga papuring natatanggap nila.

“Deserve na deserve nyo yan Sb19” comment pa ng isang fan. (Athena Yap)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More