Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

SB19 mangunguna sa G Music Fest ‘21

0 143

Nakakatuwang malaman na sa panahon ngayon na bawal pa ang mga concert, may mga gumagawa pa rin ng paraan para mapasaya ang mga Pinoy.

Sa Setyembre 25 at 26 ay magaganap muli ang G Music Fest kung saan mapapanood ng libre sina Honne, Vance Joy, Beka, SB19 at marami pang iba sa official Globe Facebook Page.

Sa Sept. 25 ang mga artist ay magho-host ng isang fan meet na tatawaging “Up Close” mula 5:30pm to 8:30pm. At sa Sept. 26 naman ay magaganap ang mas pinalaking online concert kung saan pasasayahin nila ang araw mo sa walang tigil na tugtugan at kantahan, pati na rin sa performances na exclusive lang para sa Pilipinas.

Ang G Music Fest 2021 ay bahagi ng taunang 917 celebration ng Globe bilang pasasalamat sa lahat ng mga Globe subscriber na patuloy na nagtitiwala sa aming serbisyo.

At para ma-enjoy nang lubusan ang #GDayEveryday, magbibigay rin ng libreng 2GB na data ang Globe para magamit sa virtual concert kaya hindi mo na aalalahanin pa ang load. Para makuha ito, buksan ang new GlobeOne app. Matapos magrehistro, ang libreng data ay maaaring ma-redeem sa ilalim ng seksyon ng Rewards.

Ayon kay Bianca Wong, Head ng Feel Valued Tribe ng Globe, “Nais naming maging platform ang 917 celebration para maiangat ang buhay ng mga Pilipino at makapagbigay ng pag-asa para sa mas maraming tao at makapagbigay saya kahit sa simpleng paraan, tulad ng music. Kaya hinihikayat namin ang lahat na makibahagi sa mga GDay activities na tumutulong din sa mga kababayan natin na nangangailangan.”

Ang lokal na indie band na si I Belong to the Zoo (IBTTZ) ay nangakong magbigay ng donasyon sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS).

Ang mga Globe subscribers ay pwede rin makatulong sa pamamagitan ng new GlobeOne App, kung saan pwede silang mag-donate ng kanilang Rewards points sa anumang charitable institution at foundation na sinusuportahan ng Globe. Kailangan lang hanapin ang Rewards, at i-tap ang Donate.

Para sa karagdagang impormasyon naman tungkol sa Globe Rewards, bisitahin ang website: www.globe.com.ph. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.