Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sayyaf lider,coast guard member timbog sa Zamboanga

0 120

Arestado ang senior leader ng Abu Sayyaf Group at ang tatlong iba pang miyembro ng teroristang grupo sa magkakahiwalay na lugar sa Zamboanga City ayon kay Philippine National Police (PNP) chief General Camilo Cascolan.

Sa isinagawang press briefing Lunes ng umaga, kinilala ni Cascolan ang naarestong terrorist leader na si Hassan Anang Mohammad alyas ‘Usi’, na sinasabing sangkot sa kidnapping at pamumugot sa magsasakang si Doroteo Gonzales sa Basilan noong 2009.

Kinilala din ni Cascolan ang tatlong iba pang miyembro ng Abu Sayyaf na nadakip naman nitong Biyernes na sina Kadija Sadji, 31; Abdulman Sarapuddin Tula, 32; at Jailani Al-Rafee Sakandal, 31.

Nakuha sa mga suspek ang mga sangkap sa paggawa ng bomba, dalawang granada, iba’t ibang uri ng baril at bandila ng ISIS.

Ayon kay Cascolan, sina Sadji at Tula ay miyembro ng ASG at ISIS Financial conduits na Dawlah Islamiya sa ilalim ni Mundi Sawadjaan.

Samantala inaalam pa ang kung anong kinalaman ni Sakandal sa teroristang grupo, lalo’t isa itong aktibong miyembro ng Philippine Coast Guard na may ranggong apprentice seaman.

Ayon pa kay Cascolan, ang mga nasbaing suspek ay planong magsagawa ng pag-atake sa lalawigan ng Zamboanga. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.