Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sayyaf lider, 3 galamay patay sa Sulu engkuwentro

0 58

Patay ang apat na miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) kabilang ang nakababatang kapatid ng utak ng 2020 Jolo Twin bombing na si Mundi Sawadjaan at ASG Sub leader sa naganap na engkwentro kontra militar sa barangay Alat, Jolo, Sulu Linggo ng madaling araw.

Kabilang sa mga napatay na ASG sina Al-Al Sawadjaan, nakababatang kapatid ni Mundi Sawadjaan; ASG Sub Leader Injam Yadah, na sangkot sa maraming kidnapping; isang alyas Raup at isang hindi pa kilaalng kasamahan ng mga ito.

Ayon kay Joint Task Force -Sulu at 11th Infantry Division Commander Major General William Gonzales, napatay ang mga suspek alas-2:00 ng madaling araw nitong Linggo sa Barangay Alat.

Nabatid na isisilbi sana ng militar ang warrant of arrest laban sa mga kasong kidnapping laban kay Yadah subalit pinaulanan na sila ng bala ng mga suspek dahilan upang gumanti sila ng putok na ikinasawi ng apat.

Nakuha sa mga suspek ang matataas na kalibre ng baril gaya ng M653 carbine riffle, kalibre .45, mga improvised explosive device (IED) at mga sangkap sa paggawa ng bomba. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.