Sayyaf commander patay sa encounter

By

ZAMBOANGA CITY – Napatay umano ng tropa ng militar sa karagatan ng Sulu ang isang notoryus na commander ng Abu Sayyaf Group na wanted sa Malaysia dahil sa kasong kidnapping.

Kinilala ang napatay na Sayyaf leader na si Salvador Muktadil.

Napatay si Muktadil sa pakikipag engkwentro sa militar nitong Sabado ng gabi malapit sa bayan ng Parang.

Natunugan umano ng militar ang pagdating ng speedboat ni Muktadil mula sa natanggap na intelligence report kung kaya’t agad itong hinanap at ginalugad ng mga sundalo.

Hindi malinaw kung papatakas sa operasyon ng militar si Muktadil o patungo ng Sulu nang mangyari ang engkwentro.

Sa lalawigan ng Tawi-Tawi naka-base ang tropa ni Muktadil.

As of posting time, wala pang pahayag o kumpirmasyon ang Western Mindanao Command ukol sa pagkakapatay kay Muktadil.

SHARE