Sayyaf camp nakubkob ng militar

By ,

ZAMBOANGA CITY — Nakubkob umano ng militar kahapon ang isang kampo ng Abu Sayyaf sa magulong lalawigan ng Basilan habang patuloy ang operasyon kontra sa jihadist group na konektado sa Islamic State.

Bagama’t walang nadakip o naiulat na nasawi, nabawi naman ng mga sundalo ang apat na automatic rifles sa naturang kuta sa bayan ng Ungkaya Pukan. Nabatid na kampo diumano ng notoryosong lider na si Puruji Indama ang lugar.

Bago nabawi ang kampo ay kinanyon rin ng militar ang nasabing lugar upang magbigay-daan sa pagpasok ng mga sundalo sa naturang taguan ng Abu Sayyaf.

Sinasabing doon itinago ng grupo ang anim na Vietnamese seamen na kanilang dinukot sa karagatan ng Basilan noong Nobyembre.

Pinalaya ng Abu Sayyaf kamakalawa ang isang Vietnamese sailor na si Hoang Vo at nabawi ito ng mga sundalo sa Basilan.

SHARE