Sayyaf bomb expert napaslang

By

Isang Abu Sayyaf bomb expert na umano’y sabit sa 2000 kidnappings ng 21 dayuhan mula sa island-resort ng Sipadan sa Sabah, Malaysia ang napatay kamakalawa sa lalawigan ng Tawi-Tawi.

Kinilala ang napaslang na si Inbno Moro.

Napaslang ito sa bayan ng Bonggao matapos manlaban sa mga parak at sundalong aaresto sana sa kanya.

Tauhan umano ni Abu Sayyaf leader Radulan Sahiron si Moro at sabit sa 1989 massacre ng mga sibilyan sa Bongao at sa 2004 kidnapping ng Sibuto town Mayor Kuyoh Pajiji, gayundin sa 2002 kidnapping ni Alvin Chua sa Bongao.

Sabit rin ito sa pagpatay kay Rodrigo Alejandro Sr. at Jr sa Barangay Buan sa bayan ng Oanglima Sugala sa Tawi-Tawi noong 2004.

SHARE