Una sa Balita

Sayo: Mga archer tutudla ng SEAG gold

0 218

HANGAD ng mga Pilipinong archer ang makapana ng gold medal sa pagho-host ng bansa sa ika-30 edisyon ng Southeast Asian Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Ito ang sinabi ni Philippine archery head coach Clint Sayo sa pagdalo nito kasama sina Andrea Robles at Paul Marton Delacruz sa lingguhang Philippine Sportswri­ters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel.

“We cannot promise anything (gold medal) now but our national players and the association wanted to have a good campaign in the coming SEA Games,” sabi ni Sayo.

Huling nagwagi ng pilak na medalya para sa koponan si Nocole Marie Tagle sa women’s individual event habang tanso naman sa men’s team compound.

Aasahan naman ng World Archery Federation (WAP) na mapuputol ang tatlong sunod nitong pagkauhaw sa gintong medalya sa matinding paghahanda ng koponan na nakatakdang sumabak sa huling leg ng ginaganap na Olympic qualifying meet na Asia Cup.

Binubuo ang pambansang koponan sa Recurve na sina Luis Gabriel Moreno, Florentino Matan, Jason Feliciano at Canson Hastie sa kalalakihan habang ang mga babae ay sina Kareel Meer Hongintan, Pia Elizabeth Bi­daure, Gabrielle Monica Bidaure at Phoebe Amistoso.

Ang Compound Male Team ay binubuo nina Paul Marton Delacruz, Johann Olano, Arnold Rojas at Roberto Badiola habang ang kababaihan ay sina Jennifer Chan, Andrea Lucia Robles, Rachelle Anne Delacruz at Abbigail Tindugan.

Kinuha rin ng WAP ang serbisyo ng isang Malaysian bilang foreign coach na si Cheng Yap Lee. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy