Una sa Balita

Sayaw ng mga sabungero patok

0 480

TRENDING sa Facebook ang grupo ng mga sabungero na nagsasayaw sa farm habang nakahawak ng manok.

Noong Sabado lang ay umabot na sa mahigit 4,000 na shares na pumutakte pa ng mga komento.

Ilan sa mga nagkomento ang nagsabing pa-good vibes para bahagyang makalimutan ng mga Pinoy ang malaking problemang kinahaharap ng Pilipinas dahil sa mapaminsalang COVID-19.

“Nakakaalis ng stress, hindi ka makalabas dahil sa Enhanced Community Lockdown sa Luzon kaya dito sa Social Media ako naglilibang,” komento ni Wilfredo Costales sa FB.

Sa unang step ay dadamputin nila ‘yung manok at saka itataas pakanan bago ito pumaling sa kaliwa. (Elech Dawa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More