Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sayang si Vic

0 108

NAKAKATABA ng puso ang mga balita dahil may liwanag na kung kailan dadating ang bakuna laban sa COVID-19.

Ang laking panatag sa saloobin ng mamamayang Pilipino ang ganitong balita.

Hindi mo mababayaran ang pangamba. Kahit magkano pa yang bakuna na iyan basta makakagamot sa buhay ng tao eh maayos iyan. Parang “wonder drug o miracle drug “ na ang dating.

Ang pinag-uusapan na lang diyan ay anong klase ang gagamitin sa tao, kasi siyempre magkakaiba din ang presyo. Pinakamura ang ASTRA ZENECA at ang pinakamahal naman ay ang PFIZER.

Nandiyan din ang mga bakuna na MODERNA at SINOVAC.

Daapat din natin ipagdasal na makahanap na rin ng lunas sa iba pang mga sakit tulad ng cancer, SARS, dengue at iba pa.

Huwaag na kayo magpatumpik-tumpik pa, kung meron ka rin lang extra salapi eh magpabakuna ka na, huwag n’yo ng hintayin ang bigay ng gobyerno dahil ang dami at haba ng pila.

***

Humihingi na ng trade si Vic Manuel ng Alaska Aces nitong mga nakaraang araw.

Bakit ba humantong sa ganitong sitwasyon si VicMan?

Kung susuriin mo ang stature ni VicMan eh superstar siya, ‘ika nga siya ang first option ng team sa laro, siya ang bumabalikat sa laban. Ang tanong, bakit binigyan lang ng 1-2 years of renewal sa kontrata?

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Kung hindi ako nagkakamali eh ang mga rookie kadalasan binibigyan ng 3 years as a signing contract pero hindi sa beteranong Vic Manuel.

Daming tanong ng mga tagasubaybay ng Abante.

Tatlong bagay sa akin ‘yan, hindi magkasundo sa presyo, baka wala na sa longterm planning ng Alaska Aces si Vic after 1-2 years at may inaabangan na player sa ibang team na mas kursunada ni coach Jeff Cariaso.

Sayang ang kalidad ni Vic Manuel, kulang lang suporta sa kanya, considering ang kalaban mo ay mga team na maraming pinagkukuhanan ng materyales.

Pag-isipan dapat maigi ito ng Alaska dahil wala ka nang makukuha na ganitong klaseng manlalaro, matatag, subok na at hindi uurong sa laban.

Isang malaking HAYNAKO ‘yan kapag nakawala ito sa poder ng Alaska. May mga 14-16 points ka per game plus 8 rebounds.

Ano pa hahanapin mo?

***
Sa aming inaanak na si Thirdy Ravena, pagaling ka dahil na-fracture niya ang kanyang kamay sa isa sa kanyang mga laro.

Let’s continue to wear face mask, face shield and stay apart!

Avoid crowded places.

At mga ka-abante please follow me sa LYKA defenseminister

Kitakits mga ka G!

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.