Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sayang ang makasaysayang Lagusnilad

0 236

Gaano ba kahalaga ang pagiging bahagi ng kasaysayan ng isang pasilidad o imprastraktura para ipagkibit na lamang ang perwisyong dulot nito na taun-taon na lamang ay nagpapaulit-ulit?

Tanong ito ng mga motoristang madalas na gumagamit ng Lagusnilad underpass, lalong lalo sa panahon ng malalakas na pag-ulan.

Kalimitan na lamang kasing binabaha at hindi madaanan ng anumang uri ng sasakyan ang nabanggit na daanan na matatagpuan sa harapan ng Manila City Hall.

Konting throwback lang guys, ang Lagusnilad ay itinayo noong dekada 60’s sa panahon ng panunungkulan ni Mayor Antonio Villegas kaya ito ay bahagi na ng kasaysayan ng Maynila.

Ito ay kinabibilangan ng pedestrian underpass patungo sa Intramuros at vehicular underpass patungo ng Taft Avenue mula sa Padre Burgos St.

Ang vehicular underpass ay sinasabing kauna-unahan sa Asya at sa Pilipinas.

Walang masyadong perhuwisyo sa panahon ng baha ang pedestrian underpass dahil marami nang opsyon ang mga tao kapag hindi ito madaanan.

Pero ang vehicular underpass ay sadyang problema ang hatid kapag matinding ulan na ang bumagsak sa Maynila dahil nagmimistula itong laot sa tuwing mapupuno ng tubig-baha.

SM food to go Banner Ad

Resulta, hindi makadaan ang anumang uri ng sasakyan.

Kapag tag-araw ay halos hindi rin nalalayo ang situwasyon dahil bagama’t walang tubig ang underpass, tatalbog-talbog at aalog naman ang mga dumadaang sasakyan dahil hindi mawala-wala ang lubak at tila hirap na hirap ang mga kaminero na pantayin ang kalsada.

Noong wala pang pandemya, ako ay halos araw-araw na dumadaan sa Lagusnilad pero ni minsan ay hindi ko naranasang naging maayos ang takbo ng sasakyan ko diyan.

Maya’t maya ay ginagawa at pinapatsihan ang mga bahaging hindi maayos pero hindi rin nagtatagal at balik na naman sa talbog talbog ang situwasyon.

Sayang lang ang pondong natutunaw taun taon kaya bakit hindi na lang yan tambakan at ipantay sa Padre Burgos at Taft upang matapos na ang problema.

Puwede naman yan na lagyan na lamang ng traffic light upang makontrol din ang daloy ng sasakyan galing sa iba’t ibang direksiyon at hindi magsiksikan sa unahan hanggang sa makitid na bahagi ng dating Park n Ride at Metropolitan Theater.

Noon pa sana natapos ang problema kung ‘yan at tinambakan na lamang at sana ay nagagamit sa ibang gastusin ang perang maya’t maya ay inilalabas upang imantini ang Lagusnilad na ‘yan.

Kung magagawa yan ay magiginhawaan din ang mga dyipni drayber dahil hindi na sila mag-aalalang umatras kapag tumirik sa bandang paahon at hindi rin umabante pag nawalan ng preno sa bandang palusong.

Ayos ba?

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.