Una sa Balita

Sawi sa pag-ibig, 18-anyos nagbigti

0 321

DALA ng labis na kalungkutan matapos makipaghiwalay sa kanya ang nobya, nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa sarili ang isang binata sa Valenzuela City, kahapon nang hatinggabi.

Dakong alas-12:00 nang hatinggabi nang makita ng kanyang nakababatang kapatid ang kuya nitong si ‘Norben’ ‘di tunay na pangalan, 18-anyos na nakabigti sa loob ng kuwarto nito sa Barangay Isla ng nasabing lungsod.

Plastic strap ang ginamit ng biktima na itinali sa wooden beam sa kanyang silid.

Sinabi ng kapatid na kinatok nito sa kuwarto ang kuya pero walang sumasagot kaya ipinagbigay-alam niya ito sa kanilang mga magulang.

Dahil dito, sinira nila ang pintuan para makapasok at laking gulat nang makita na nakabitin na si ‘Norben.’

Nabatid na nitong mga huling araw, naging malungkutin ang binata nang maghiwalay sila ng kanyang kasintahan. (Orlan Linde)