Una sa Balita

Sawa na sa Koreano? Arci nahuhumaling sa Hapon

0 444

Ayaw paawat ni Arci Muñoz sa paglulustay ng mga kinikita niya sa showbiz sa pamamagitan ng ­pagta-travel. Kailan lang ay nasa Amerika siya at sumaksi sa isang event doon na may kinalaman sa ­Oscars, ngayon ay nasa Japan naman siya.

Naka-post sa Instagram ni Arci ang mga ­larawan niya na ang background ay ang mga cherry blossoms.

Walang sinabing dahilan si Arci sa ­pagpunta sa Japan, na kung meron ba itong panono­oring concert ng paborito niyang K-pop group. Pero naka-post sa gallery of pictures ni Arci ang larawan ng isang Japanese actor.

Ibig sabihin, hindi lang sa Korean star nahuhumaling si Arci kundi sa Japanese rin. Pero sabi lang ng mga follower niya, magtira siya ng pera para sa kanyang kinabukasan. (Rey Pu­maloy)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More