Una sa Balita

Saudi nagtalaga ng unang babaeng ambassador sa US

0 524

Inanunsyo ng Saudi Arabia ang bagong ambassador nito sa United­ States, at sa pagkakataong ito isang babae ang napili ng bansa para maging envoy nito sa Washington.

Kasunod ng pagka­kahirang kay dating US ambassador Prince Khalid bin Salman bilang vice defence minis­ter, na-appoint si Princess Reema bint Bandar sa pamamagitan ng isang royal decree noong Sabado.

Si Prince Khalid ang nakababatang kapatid ni Crown Prince Mohammed bin Salman, ang de facto leader ng bansa na nagsisilbi rin bilang defence minister.

Nangyari ang lipatan ng posisyon kasunod ng pagkakaroong ng isyu sa relasyon sa pagitan ng dalawang bansa dahil sa pagpaslang sa journalist na si Jamal Khashoggi.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy