Una sa Balita

Saudi Arabia pumalag sa banta ni Trump

0 1,187

Nagbanta ang Saudi Arabia na gumanti sa anumang sanction na ipapataw ng Estados Unidos matapos ang babala ni President Donald Trump na papatawan sila ng ‘severe punishment’ kung may kinalaman ang kingdom sa pagkawala at posibleng pagpatay sa Wa­shington Post contributor Jamal Khashoggi.

Si Khashoggi na kilalang kritiko ng Saudi Arabian government, ay iniulat na nawawala matapos na pumasok sa Saudi consulate sa Instanbul noong Oktubre 2.

Pinaniniwalaan ng mga opisyal ng Turkey na pinatay ng Saudi death squad si Khashoggi dahil sa pagsusulat ng mga negatibo tungkol kay Crown Prince Mohammend bin Salman.

Itinanggi na ng Saudi Arabia government na may kinalaman sila sa pagkawala ni Khashoggi pero hindi makapagbigay ng ebidensiya na lumabas ng konsulado ang journalist noong araw na iyon.

Bukod sa babala ni Trump, nananawagan ng joint investigation ang Germany, France at Britain sa pagkawala ng journalist.

Dahil sa pangyayari ay nag-atrasan na ang mga business leader sa pagdalo sa darating na investment forum, tinatawag na ‘Davos in the Desert’ at bumagsak din ang stock trade sa 264 points. (AP)