Una sa Balita

Saudi Arabia ipinagbawal ang pang-eespiya sa cellphone ng asawa

0 1,076

Kung hilig ni misis na kalikutin ang cellphone ni mister para malaman kung ito’y nambababae, sa Saudi Arabia ay mahigpit na itong ipinagbabawal.

Inanunsyo ng Saudi Arabia nitong Lunes, na isa nang criminal offense ang pang-eespiya sa cellphone ng asawa at may katumbas itong parusang multa at pagkakulong.

“Married individuals planning to spy on their spouse in Saudi Arabia will need to think twice, because such an activity could potentially attract a fine of 500,000 riyals along with prison term for a year,” ayon sa statement ng information ministry.

Abante Hiring – IT dep

Ang nasabing batas ay bahagi ng bagong anti-cybercrime law na ipi­natupad noong nakaraang linggo lamang.

Ipinasok ang probis­yong ito upang mapa­ngalagaan umano ang ‘morals of individuals and society and protect privacy’.
Isinabatas ito dahil sa paglobo ng bilang ng kaso ng blackmail, embezzlement at defamation.