Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Saudi, 5 taon ipapakulong magpapakalat ng fake news

0 182

Makukulong ng 5-taon bukod pa sa pagmumultahin ang sinumang mapapatunayang magpapakalat ng fake news o maling impormasyon.

Ito ang naging babala ng Saudi authorities sa kanilang mga nasasakupan.

Ang nasabing warning ay bunsod na rin ng kumalat na balita na ilang kabataang babae ang biktima ng sexual harassment habang pauwi mula sa nakanselang concert sa Riyadh.

Nauna rito’y nakansela ang inaabangan sanang concert ng K-Pop band na Stray Kids noong Enero 14 dahil sa malakas na hangin.

Kasunod noon ay kumalat ang balita sa social media na may mga babaeng nawawala at ang iba ay biktima ng sexual harassment.

Gayunman, sa ngayon ay kuwestiyunable ang nasabing balita kung saan kinontra ang balita ng ilan sa mga nasa concert venue.

Leave A Reply

Your email address will not be published.