Una sa Balita

Sato, Creamline hindi maawat

0 383

WINALIS ng Creamline Cool Smashers ang Pacific Town Army, 25-15, 25-18, 25-22, kagabi sa unang laro ng 3rd PVL Open Conference 2019 sa FilOil Flying V Centre.

Hataw ng 12 markers si Risa Sato sa likod ng 9 attacks at 3 blocks para tulungan ang Cool Smashers na birahin ang malinis na 14-0 kartada.

Sinalo rin ni Jema Galanza ang iniwang posisyon ni injured Alyssa Valdez sa ginawang 11 points sa likod ng 9 kills at 1 service ace habang si Rose Vargas ay umambag rin ng 10 puntos para ilaglag ang Pacific Town sa 6-8 kartada.

“Dapat kung gaano kami kabilis dapat ganun lang,” ani Galanza. “[Dapat] i-maintain lang namin kasi ganun kami maglaro and play happy lang.”

Namuno sa Pacific Town si Royse Tubino sa inilistang 13 points. (Aivan U. Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy