Una sa Balita

Satellite patungong araw, lumipad na

By
0 556

NASA kalawakan na ang satellite na maglalakbay patungo sa pinakamalapit na bituin sa Earth, matapos ang matagumpay na take-off sa Cape Canaveral­.

Lumipad ang Delta IV rocket na siyang may karga­ ng Parker Solar Probe, dakong alas-3:31 nang madaling-araw nitong Linggo.

Napili ang ‘launch window’ dahil aasahan ng satellite, kasinglaki lang ng kotse, ang gravity ng planetang Venus para makarating sa araw.

Mararamdaman ng satellite ang gravity ng Venus, anim na linggo mula ngayon, at ito ang gagamiting pampreno para makontrol ang lipad ng solar­ probe patungo sa destinasyon.

Nauna rito ay naunsyami ang take-off ng NASA satellite patungo sa araw matapos makaranas ng technical problem nitong Sabado.

Pangunahing misyon ng satellite na makalapit sa outer atmosphere ng araw, tinatawag na corona.

Sisikapin ng satellite na lutasin ang misteryo ng araw, kung maliligtasan nito ang nakapapasong temperature na higit sa 1,000 Celsuis.