Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Saso tumersera, P3M tinanggap

0 74

Bumigay sa pinale si Yuka Saso para makuntento na lang sa tersera sa pagwawakas ng ¥100M 39th Daio Paper Elleair Ladies 2020 na pinagreynahan ng mahigpit niyang karibal na si Ayaka Furue sa Elleair Golf Club Matsuyama sa Ehime Prefecture, Japan Linggo ng hapon.

May worst round ang 19-year-old top Philippine pro na two-over 73 pa-16 pa-nine-under 275 katabla si Kikuchi Erika (70) para sa tig-¥6.5M (P3M), anim na palo ang layo sa nagkampeong si Furue, 20, na may 69-269 at nagkamit ng ¥18M (P8.3M).

Co-leader sa first two rounds ang ITCSI rookie bago dumausdos sa segunda pagkaraan ng 54 holes. Pero mabuting pambawi na rin ito ng Fil-Japanese San Ildefonso, Bulacan native mula sa pagsablay sa cut sa 39th Ito En Ladies Golf Tournament nitong Nov. 13-15.

Pumangalawa sa torneong nagsilbing penultimate leg ng 53rd Ladies Professional Golf Association of Japan Tour 2020 si Min-Young Lee ng South Korea na may 66-272. Matatapos ang mayamang regon’s circuir sa JLPGA Tour Championship Ricoh Cup sa Miyazaki City, Miyazaki Prefecture sa Nov. 26-29. (Ramil Cruz)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.