Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Saso nagbulsa ng P4M

0 216

TUMIRADA si Yuka Saso ng pangalawa niyang magarang round, isang four-under-68, upang humabol sa quintuple-tie fifth spot at isubi ang tumataginting na ¥8,640,000 (P4M) sa nakumpletong 9th Earth Mondahmin Cup 2020 Lunes ng hapon sa inulang Camellia Hills Country Club sa Sodegaura City, Chiba, Japan.

Pambawi ito ng 19-anyos na dalagang Fil-Japanase mula sa nakaraang two rounds na 74-71 na malapit sa maangas niyang opening 66 para sa 4-day aggregate 279 kasama ang apat na Japanese.

Iwan lang ang 2018 Indonesia Asian Games champion ng dalawang palo sa nag-1-2 na sina Ayaka Watanabe (P20M) at Love Suzuki (P9.7M) sa una niyang event sa Land of the Rising Sun bilang full-pledge pro.

Nasa 144 player ang kalahok sa torneo na nagsilbing 17th sa mayamang may 37-leg 12th Ladies Professional Golf Association Tour of Japan 2020, na nakansela ang unang 16 na yugto sapul noong Marso dahil sa COVID-19. (RC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.