Una sa Balita

Saso, 21 pa pararangalan ng PSC-POC Media Group

0 220

PARARANGALAN ng Philippine Sports Commission Philippine Olympic­ Committee Media Group ang mga future heroe sa sports ng bansa sa 2nd Siklab Sports Youth Awards 2019 ngayong araw sa Market Market Activity Area sa BGC, Taguig City.

Mangunguna sa awardees sina ­reigning girls PGA champion Yuka Saso, triathlete Andrew Kim Remolino, basketball’s Sean Dave Ildefonso at 19 na iba pang athletes mula sa iba’t ibang sports na may edad 18 pababa na tinawag na POC Siklab Young Heroes.

Kasama sa kikila­lanin sina Denise Basila at Michael Angelo Fernandez ng shooting sa event na inorganisa ng PSC-POC Media Group sa pamumuno ni ­Felipe ‘June’ Navarro III ng Philippine Daily Inquirer at mga nasa pagtatagu­yod ng Philippine Sports Commission sa pangu­nguna ni chairman ­William “Butch” Ramirez at ng Philippine Olympic ­Committee sa ilalim ni president Abraham­ Tolentino.

Kikinang din sa gabi ng parangal na mga suportado ng Smart/PLDT, MVP Sports Foundation at ni Go For Gold head ­Jeremy Randell Go, sina ­fencers Maxine ­Esteban at ­Samantha Kyle ­Catantan, junior cycling champion Marc Ryan Lago at dragonboat/­canoe-kayak world champion paddlers ­Christine Mae Talledo atbp. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy