Una sa Balita

Sasakyang nadale ng putik, ashfall sa Taal kaya pang isalba

0 198

OO tapos na, sa ngayon, ang pagbuga ng abo at putik ng Bulkang Taal.

Halos lahat ay natutuwa dahil kahit paano ay nabawasan ang kanilang kaba, maliban lamang sa mga may sasakyang nadale ng putik at ashfall.

Totoo, mahirap at maselan ang paglilinis na gagawin sa mga sasakyan na matinding nakulapulan ng ashfall.

Kaya sa pinaka­simpleng paraan ay magbibigay ang kolum na ito ng ilang tips upang maging good running condition ulit ang ating mga awto.

Sa pagpapahugas-dalawang beses na pabugahan ng pressurized water at siguruhing inaabot ang sulok-sulok bago sabunin, banlawan at tuyuin.
Filters/cleaners-Kung may badyet din lang naman, pa­litan na ng bago ang air filter at aircon filter.

Underchassis- tanggalin lahat ang apat na gulong at pabugahan ng pressurized air ang mga brake components. Sipatin din ang mga bearings kung napa­sukan ng alikabok.

Kung nagawa niyo na po ang mga bagay na ‘yan, ­puwede niyo pong latiguhin ulit ang ­inyong mga awto.
Ayos ba?

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More