Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sarno sisiklab sa Vietnam

0 76

Matapos ang nakakamanghang performance na ipinamalas ni Pinay weightlifter Vanessa Sarno sa 2021 Asian Weightlifting Championships, target naman nito na magpasiklab sa 31st Southeast Asian Games sa Vietnam sa Nobyembre.

Kumubra ng dalawang ginto at isang pilak na medalya ang Bohol native weightlifter nitong nakaraang buwan sa nabanggit na torneo na ginanap sa Tashkent, Uzbekistan.

“Yung goal ko po talaga is ‘yung SEA Games,” litanya ni Sarno sa “The Game” ng One Sports.

Ayon sa kanya, dadaan pa sa tryouts ang weightlifting team bago lumaro sa SEA Games. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.