Una sa Balita

Sariwa ba ang itlog mo?

0 355

Alam ba ninyo na safe kumain ng hanggang tatlong itlog sa loob ng isang araw? Pero kung ikaw ay diabetic, tama na ang dalawang itlog lang sa isang araw.

Ang itlog ay ­mayaman sa protina, bitamina, fats at mineral. Pero kapag ­napasobra, tataas din ang iyong kolesterol.

Ang sikreto ng masarap na itlog ay nasa pagi­ging sariwa nito. ­Tinanong ko si Wyatt Belmonte, isang ­beterinaryo at consultant ng animal farms sa Central Luzon at isa ring culinary hobbyist (IG: wyattbelmonte) kung paano malalaman kung sariwa ang itlog.

Ayon sa kanya, kapag hindi pa nabubuksan­ ang itlog, kumuha ng isang basong tubig. ­Ilagay doon ang itlog. K­apag ito ay bago, ito ay ­lulubog sa ­tubig at ­nakahiga ­(horizontal). Unti-unti ­namang ­aakyat ang isang bahagi nito. Pero kung luma na ang itlog, lulu­tang ito sa tubig.

Maaari rin namang basagin ang isang itlog sa platito. Kapag ito ay sariwa, mataas ang umbok ng batog o pula (yolk) at gelatinous ang claro (egg white) nito. Kapag hindi na sariwa, bumabagsak ang pula ng itlog at malabnaw naman ang puti nito.

Ang itlog, pagkabili, ay mas mainam na ilagay sa refrigerator. Maaari itong magtagal sa ref ng at puwede pang lutuin sa loob ng isang buwan. Kapag naman walang ref at nasa room temperature lang, sinabi ni Wyatt na dalawang linggo lang dapat abu­tin ito sa labas. Kapag tag-init, mabilis na nasisira ang itlog sa labas ng ref at dumadami agad ang bacteria nito, kaya mas mabu­ting paabutin lang ng isang linggo ang itlog sa labas ng ref kapag summer.

Madalas akong makabasag ng itlog at ‘di nabubuo ang pula kapag inilagay ko na sa kawali. Payo ni Wyatt, mag-practice lang ng mag-practice sa pagkontrol ng kamay sa pagbasag ng itlog. Pero naalala ko ang tip sa akin ng dati kong classmate sa Saint Scholastica’s College na si Lyra Agellon, apo ng ating baya­ning si ­Emilio Aguinaldo. Ilagay raw sa pa­lad ang itlog at isalikop ang isa pang pa­lad, at dahan dahang irolyo ito sa palad.­ Kumuha ng tinidor o ma­liit na kutsil­yo, bahagyang tapikin ang balat ng itlog sa gitna at buong-buo ang pula kapag inilagay na sa kawali. Sa mga ­pagtatangka ko gamit ang kanyang tip, successful naman ako sa pagbasag ng itlog.

Maraming puwedeng iluto sa itlog, ayon kay Wyatt. Pero ‘wag ­sosobra o i-overcook ang itlog. Nagkakaroon kasi ito ng sulfide ring. Nangyayari ito kapag over-cooked ang itlog – nagkakaroon ng reaksyon ang puti ng itlog sa iron ng pula ng itlog. Ang pinakamatagal nang pagluto ng hard boiled egg ay 15 minuto. Pero ang rekomendasyon talaga ay 6 hanggang 10 minutong pagpapakulo lang.

Pero kung nagmamadali, may itinuro si Wyatt na 45-second scrambled egg sa isang ceramic cup. Kailangan ng dalawang itlog, 2 kutsarang gatas at kaunting asin. Batihin ang itlog, gatas at asin. Dag­dagan ng kaunting manti­kilya (butter). Ilagay sa loob ng microwave at ­initin ng 45 segundo.

Isilbi kasama ang tinapay.

***

May kakaiba ba kayong putahe na nais ninyong ibahagi sa amin? Ipatikim na ‘yan! Mag-email sa marou70@gmail.com o magpadala ng mensahe sa Facebook Page: Patikim Nga.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy