Una sa Balita

Sariling nanay hinipuan

0 816

Dra. Margarita Holmes

Dear Dra Holmes:
Magandang umaga po, Dra. Margarita:
Mabuti po ba sa katawan ang sex?
Dra… nakita ko po na nagse-sex ang aking pa­rents noong ako’y 16 yrs old palang sa pagnatutulog ang aking ina ay hinipo ko ang kanyang maselan sa baba. Martin

Dear Martin:
Maraming salamat sa inyong sulat. Marami ring salamat sa iyong tanong na maaaring napakalawak ang sagot.

At dahil napakalawak, sobrang hirap sagutin. Pero kailangang gawin ito dahil ang sagot rito ay isang patnubay na makakatulong sa ating buhay. At maganda itong patnubay dahil gagabay at bibigyan tayo ng tiyaga, inspirasyon at lakas ng loob gawin ang tama.

Kung hindi kasi natin sasagutin, baka isipin mo na dahil nakita mo na nagse-sex ang iyong mga magulang noong 16 years old pa lang at ito ay (medyo) kasalanan nila kasi bakit naman sila hindi mas maa­laga sa kanilang pagsisiping, baka maisip mo na ok lang ang ginagawa (o ginawa) mo.

Hindi ko naman sinasabi kaagad na hindi okay ang ginagawa (o ginawa) pero bilang sikolohista, masasabi ko na ang karamihan ng mga lalake (mga 97.99%, sa aking palagay) na ginagawa (o ginawa) mo ay maaaring magkaroon ng problemang sikolohikal mamaya. At ang nanay mo rin, kung nagising siya kahit isang beses, at nalaman niya ang ginagawa mo, malamang magkakaroon din ito ng epektong sikolohikal sa kanya. Malaki rin ang probabilidad na makakaapekto ito sa relasyon ng iyong mga magulang.

Pero kung okay lang sa iyo dearest Martin, gusto ko sanang tanunging kung ilan taon ka na nga­yon dahil palagay ko ay hindi ka na 16. Ok lang ba na sagutin mo ako?

Ingat at salamat, Martin—MG Holmes
To be continued…
Si Dra Holmes ay nagsusulat sa Abante 3X a week. Sulatan siya sa Facebook ni Dr Margarita Holmes
http://www.facebook.com/drmargieholmes. Panoorin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite Facebook tuwing Huwebes, 7:00 pm.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy