Una sa Balita

Sariling nanay hinipo (4)

0 897

Dear Dra Holmes: (shortene­d April 17 letter)
mabuti po ba sa katawan ang sex?

Dra… nakita ko po na nagse-sex ang aking pa­rents noong ako’y 16 yrs old palang, 45 na po ako ngayon. Pag natutulog ang aking ina ay hinipo ko ang kanyang maselan sa baba.

Martin

Dear Martin:
Maraming salamat sa iyong sulat na una nating pinublish ng buo noong nakaraang Miyerkoles, ika-17 ng Abril. Sa huling kolum natin noong nakaraang Miyerkoles, Abril 24, sinulat ko sa iyo na ang kabutihan at kasamaan ng sex ay walang simpleng sagot. Depende ‘yun sa maraming mga bagay, kagaya ng:

Kailan mo tinigil ang paghipo sa maseselang bahagi ng nanay mo. Alam ko na 16 ka nag-umpisa, at 45 kana ngayon, pero kailan ka tumigil at kailan mo naisip na masama ang ginagawa mo?

O maaari kayang sa’yo, dahil hindi tinago ng sapat ang pagse-sex ng iyong mga magulang, parang sila rin ay nagkasala, at ito ang resulta ng kasalanan nila?

Mahirap magbigay ng kumpletong sagot sa iyong tanong, Martin, dahil hindi ko alam ang buong sit­wasyon. Hindi ko alam ang kalagayan mo, ng nanay mo, at ng tatay mo rin, sa mga taon na ginagawa mo ito. Kung ang gusto mong sagot ay makatarungan, makakabuti na malaman ang kabuuan nang nangyari.

Pero kahit hindi ko alam ang lahat, mayroon akong masasabi tungkol sa ginawa mo sa nanay mo. Martin, baka mayroong mga “extenuating circumstances” –mga bagay na hindi natin alam na makakapagbago ng ating tingin sa sitwasyon, na makakabawas sa kasamaan nito.

Pero, dearest Martin, kahit na mayroong mag extenuating circumstances o wala, kailangang matigil mo na ito. Maraming dahilan na pinagbabawal ang insesto, at may dahilan rin na ang insesto sa anak at nanay ay bihira lang mangyari. Dahil ito ang isa sa pinakamasaklap na maaaring mangyari sa isang pamilya. Ang resulta ay makaka-apekto sa lahat ng pamilya at hindi matatangkang ganyang kadali.

‘Yan ang dahilan, sana matigil ka na at sana sulatan mo nanaman ako kung mayroon pa akong maipagli­lingkod sa iyo. Ingat—MG Holmes

Si Dra Holmes ay nagsusulat sa Abante 3X a week. Sulatan siya sa Facebook ni Dra. Margarita Holmes

http://www.facebook.com/drmargieholmes Panoorin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite facebook tuwing Huwebes, 7:00 pm.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy