Una sa Balita

Sariling bahay at lupa pangarap ng lahat

Part 2

By
0 909

Sa ilang housing site ng National Housing Authority (NHA), nagsisimula sa P600 hanggang P4,800 ang amortization para sa unang taon ng pagbaba­yad ng benepisyaryo.

Pero mataas pa rin po ang halagang ito sa kaya lang na bayaran ng mga mahihirap na pamilyang nagnanais na magkaroon ng sariling bahay.

Ibinaba ng NHA ng hanggang P200 ang monthly amortization sa mga housing project nila sa labas ng Metro Manila pero hindi pa rin ito ubrang balikatin ng benepisyaryo kung wala naman siyang pambayad.

Samantala, sa record ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga resettlement area sa ilalim ng Oplan Likas program, umaabot sa 41% ang walang malinis na tubig sa mga ito habang ang 43.7% ay walang supply ng kuryente.

Kaya naman hindi po kataka-taka kung bakit patuloy pa ring dumarami ang mga informal settler sa Metro Manila pati na rin ang mga pamilyang nag-aalsa balutan sa mga relocation site at bumabalik sa mga slum area.

Panahon na upang mag-adopt ang ating gobyerno ng mga game-changing solution na titiyak sa affor­dability ng mga housing unit at sustainability ng ating mga shelter delivery program.

Ikonsidera po natin ang pagtatayo ng mga In-City housing kung saan ay magiging accessible sa trabaho at mga pangunahing serbisyo ang ating mga benepis­yaryo.

Tiwala lang po kababayan, tiyak na magiging matagumpay ang planong ito sakaling maisakatuparan ng ating gobyerno.

Ang sentro po sa isyu ng affordability ay ang paghahanap ng mga lupa para sa mga In-City housing site.

Sa idinaos na Natio­nal Housing and Urban Development (NHUD) summit, umaabot sa 2,747.44 ektaryang lupain sa Metro Manila ang naimbentaryo na maaa­ring gamitin para sa mga programang pabahay.

Ang 1,138.81 ektarya nito ay inookupahan ng mga informal settler habang ang 1,608.63 ektarya ay pag-aari naman ng mga lokal na pamahalaan o mga ahensiya ng gobyerno.

Inirekomenda namin sa Kongreso na buksan ang mga lupaing ito ng gobyerno para pagtayuan ng mga ‘bagong bayan’ na bubuuin ng mga medium rise building hindi lang para sa mga informal settler kundi sa mga lower to middle income earner na rin.

Kapag naisakatuparan po to, babagsak ang halaga ng produksiyon sa mga itinata­yong housing unit. Ang resulta: magiging affordable na po para sa kababayan natin ang mga programang pabahay ng gobyerno.

Sa nasabing kasunduan, ang pribadong sektor ang magtatayo ng mga gusali kapalit ng pagpayag naman ng gobyerno na magtayo sila ng mga commercial establishment sa site.

Pangarap na sari­ling bahay? Magi­ging katotohanan po ito kababayan. Sana lang ay mapagtanto ng ating pamahalaan na ‘out’ na ang mga ina-apply nilang lumang solusyon sa problema. Millennial na po tayo at ang ‘in’ ay mga innovative solution.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More