Una sa Balita

Sarili, bahay sinunog sa selos

By
0 110

BANGAR, La Union — Namatay habang ginagamot sa hospital ang isang padre de pamilya makaraang sunugin ang sarili at kanilang bahay at tinangka pang idamay ang kaniyang mag-iina sa Brgy. Maria Cristina West ng bayang ito kamakalawa.

Umiinom lamang umano ng kape ang mister na nakilalang si Ricky Manzano, 39-anyos nang mabanggit ng misis na gusto niyang bumalik sa ibang bansa upang magtrabaho.

Dahil dito, bigla na lamang umanong nagselos ang mister at dahil sa galit ay binuhusan niya ng gasolina ang bahay at sarili pati na ang kanyang misis at sinilaban ang sarili.

Tinangkang tumakbo ng mag-iina ngunit nahila ni Manzano ang asawa at dalawa nilang anak na may edad 10 at 4 habang nakatakbo ang dalawa pang mga bata na may edad 12 at 7 na silang humingi ng saklolo sa kanilang mga kapitbahay. Ginagamot naman ang mag-ina sa hospital.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy