Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sarhento nangotong sa presinto, timbog

0 98

Arestado ang isang pulis na nakatalaga sa San Mateo Municipal Police Station (MPS) sa lalawigan ng Rizal dahil sa pangongotong sa isang nakalayang preso kamakalawa ng hapon.

Sa loob mismo ng nasabing istasyon ng pulisya isinagawa ang entrapment operation ng mga tauhan ng Philippine National Police Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) na ikinaaresto ng suspek na si Police Staff Sgt. June Angeles, alas 4:15 ng hapon nitong Lunes.

Ayon kay IMEG Director Police Brig. Gen. Flynn Dongbo, isang reklamo ang kanilang natanggap mula sa misis ng isang kakalaya lamang na preso hinggil sa umano’y pagpapabayad ng suspek na pulis ng P1,000 para sa certificate of detention ng kanyang asawa.

Dahil dito ay agad nagkasa ng entrapment operation ang IMEG.

Hindi na nakapalag ang pulis nang dakpin ng kanyang mga kabaro habang hawak pa nito ang entrapment money. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.