Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sarhento dawit sa pagpatay ng abogado

0 427

Kinasuhan ng murder ang siyam na suspek kabilang ang isang pulis na sangkot umano sa pamamaslang kay Atty. Eric Jay Magcamit sa Narra, Palawan.

Kabilang sa mga sinampahan ng kaso sa Palawan Provincial Prosecutors Office sina Police Master Sgt. Ariel Pareja, na ngayon ay nasa restrictive custody na ng Palawan Police Provincial Office; Marcelino Quiovo, negosyante; Jazer del Rosario, at anim na iba pa.

Sa ulat ni MIMAROPA PNP Regional Director Police BGen. Pascual Munoz kay Philippine National Police chief Debold Sinas, si Pareja ay rumaraket bilang bodyguard ni Quiovo na sangkot sa isang kaso ng land dispute kung saan si Atty. Magcamit ay abogado ng kabilang partido.

Matatandaang pinaslang si Magcamit noong November 17 ng riding in tandem na lulan ng motorsiklo sa kahabaan ng national highway sakop ng Sitio Caraniogan Brgy. Malinao sa bayan ng Narra.

Tukoy na rin ng PNP ang person of interest sa pagpatay kay Atty. Joey Luis Wee sa Cebu noong November 23, subalit hindi muna ito kinilala para hindi makasira sa kanilang follow-up operation. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.