Una sa Balita

Sardinas na gawang ‘Pinas, wagi sa Spain food quality

By
0 159

Inaprubahan ng Senado ang isang resolus­yon upang kilalanin ang karangalang ibinigay sa bansa ng Maunlad Canning Corp., tagagawa ng Young’s Town sardines, matapos ang kanilang pagkapanalo sa international Food and Beverage Quality award sa Madrid, Spain.

Sa Senate Resolution No. 296 na iniakda ni Senador Nancy Binay, binanggit nito na ang Maunlad Canning ang natatanging kompanya sa bansa na nakatanggap ng international award ngayong taon.

Ang presti hiyosong award, ibinigay ng international business group Global Trade Leaders’ Club, ay naglalayong kilalanin ang mga negosyo sa iba’t ibang panig ng mundo sa kanilang ‘pro­duct excellence’ at kontribusyon sa pagpapaunlad ng kanilang bansa.

Abante Hiring – IT dep

Ang asosasyon ay may mahigit sa 7,500 miyembro mula sa 95 bansa at taunang nagtitipon upang magpalitan ng kanilang kaalaman at karanasan na maaaring magresulta ng bagong itatayong negosyo.

Ang kompanya ay nagsimula noong 1968 sa ilalim ng business name na Earldon Enterpri­ses, bago ginawang Lapaz Sales Center. Noong 1988, binuo ang Fishwealth Canning Corporation at nagtayo ng pabrika sa Malabon at nagsimulang gumawa ng Youngstown Sardines para sa C at D market ng ating lipunan.