Una sa Balita

Sarap manood ng SEAG

0 603

Nagsimula na ang basketball game ng 30th Southeast Asian Games na kasalukuyang ginaganap sa Mall of Asia Arena.

Kasali tayo bilang host country pati ang Malaysia, Indonesia, Myanmar, Vietnam, Thailand at Singapore.

Bilang isang Pilipino, ako ay lubusang simusuporta sa ating Gilas Pilipinas sa pano­nood nang live sa kanilang unang laro.

Umaga pa lang ay nasa Mall of Asia arena na ako upang panoorin ang ating mga katunggaling mga bansa na Indonesia, Vietnam, Myanmar at Thailand hanggang sa laro ng ating bansa kontra Singapore.

Winasak ng mga Pinoy ang mga Singaporean­ sa iskor na 110-58.
Sa aking opinyon, malayong mahusay ang Team Gilas Pilipinas sa ating mga katungga­ling bansa dahil kumuha tayo ng legendary coach na si Tim Cone.

Siya ay isang banyaga na may pusong Pinoy at mahigit 10 taon na nagko-coach sa Philippine Basketball Association na ngayon ay head coach ng pinakapaboritong team ng mga Pinoy na Barangay Ginebra.

Si coach Tim ang pumili sa mga manlalarong magtatanggol at kukuha ng kampeonato para sa ating bansa.

Ang mga giant na sina Junemar Fajardo, Greg Slaughter, Japeth Aguilar, Troy Rosario, Vic Manuel at Christian Standhardinger, mga guard at wingman na sina Matthew Wright, L.A. Tenorio, Chris Ross, Stanley Pringle, Keiffer Ravena at Marcio Lassiter.
Sila ay mga superstar sa iba’t ibang team sa PBA.

Good luck sa mga sususnod na laban pero para sa akin sigurado na tayong champion.
***
Naghahanda na ang AMA University sa ibang mga event ng 19th National Athletic Association of Schools Colleges and Universities (NAASCU) na gaganapin next year.

Ang mga sports na aming sasalihan ay ang volleyball (men and women), taekwondo, chess, table tennis, badminton, athletics at swimming sa pamumuno ni NAAASCU President Dr. Ernesto Jay Adalem.
***
Binabati ko ang ­aming AMA player na si Luke Parcero sa pagpapa-draft sa PBA, puwede na talaga itong umakyat sa PBA dahil isa siya sa combo guard na nahawakan ko na kaya maglaro ng 1-4 position.

Good luck sa iyo.

Binabati ko rin ang aking mga batang manlalaro na nagpa-draft sa PBA D-League na sina Joshua Villamor, Eriz Romero, Christian Camay, JC Yambao, Kyle Orbeta, at Joshua Seda.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy