Una sa Balita

Sarangani niyugyog ng magnitude 6.1

0 734

Niyanig ng lindol na mayroong magnitude 6.1 ang bayan ng Maasim sa Sarangani, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 41 kilometro. Naitala ang sentro ng lindol sa bayan ng Maasim na naramdaman dakong alas-11:38 Huwebes ng gabi.

Naramdaman din ang lindol sa ilang lugar. Nasa intensity 5 ang naramdaman sa General Santos City habang intensity 4 naman sa Koronadal City.

Wala namang major damage na naitala sa lalawigan matapos ang lindol.

Ayon kay Rene Punzalan ng Sarangani Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, wala silang natanggap na report kung may napinsalang gusali at iba pang vital infrastructure kasunod ng lindol.

Aniya, nagkaroon ng minor rockslide malapit sa bayan ng Glan pero hindi naman nalagay sa panganib ang mga residente.

Inihayag naman ni City Disaster Risk Reduction and Management Office head Dr. Agripino Dacera Jr. na nagkaroon ng minor crack sa mga gusali ng City Hall at Investment Center subalit hindi naman apektado ang kabuuang structural integrity ng mga pasilidad na ito.

Ayon kay Office of Civil Defense 12 (Soccsksargen) Director Minda Morante, wala rin silang na-monitor na major disruption pagkatapos ng lindol.

Aniya, wala namang water at power interruption batay sa initial update na isinumite sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Dagdag pa nito na nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga local government unit para malaman ang nagging epekto o pinsalang dinulot ng lindol sa iba pang lugar. (Tina Mendoza/PNA)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More