Una sa Balita

Sarah type maka-‘collab’ ng int’l singer

0 320

Ibinahagi ng isang netizen (@JustSarahG25) sa Twitter ang isang video ng foreign singer na si Ben Adams ng A1. Sa video, nag-good morning si Adams at umiinom ng kape.

Habang nagkakape, nakikinig siya ng kanta. Nang i-pan ang camera, pictures ng cover ng albums ni Sarah Geronimo ang lumabas, huh!

Yes, pinakikinggan ng foreign singer ang kanta ng Pop Princess! Tila desidido na siyang makasama si Sarah sa trabaho, huh!

Naghahanap ng makaka-collaborate sa pagkanta si Ben at si Sarah ang may pinakamaraming tweets na bagay niyang makasama sa collab. Nakontak na niya ang management team ni Sarah at konting kembot na lang, malaki ang chance na magsama sa kantahan sina Adams at Sarah!

Joe Nakamura, Kohdi Kondo napasabak sa lampungan

Dumayo sa bansa ang mga bida ng Japanese movie na “The Athlete” na distributed ng Viva Films, sina Joe Nakamura at Kohdi Kondo. Bago pumunta sa presscon, bumili muna sila ng pagkain sa isang sikat na food chain na sumikat sa ‘Pinas bago lumaganap sa ibang bansa.

Kasama nila ang Filipino-Japanese na si Maria Theresa Gow na kumanta ng theme song ng pelikula at nagsilbing interpreter ng dalawang Hapones.

Gay-themed ang movie at may intimate scenes sina Joe at Kohdi. Aware din sila sa LGBTQ community.

“This is my first time I came to the Philippines. I don’t know what the Filipino thinking about it (LGBTQ) but if someone watch this movie, I hope everybody will understand what is LGBT and then what is love.

“Love is no country. Love exists in the world. What is love? I want Filipino to think about it. Love is not one way. This is also love. I want them to know what is love and what is LGBT,” pahayag ni Joe.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy