Una sa Balita

Sarah, Regine lilikha ng history sa concert scene

0 582

Aba, guess what? Confirmed na nga ang pagsasanib-puwersa sa entablado ng dalawang bigating Kapamilya singers na sina Sarah Geronimo at Regine Velasquez.

Kamakailan nga lang ay nagbahagi ng patikim o pasilip ang Viva Live tungkol sa aabangan na concert sa February 14-15 2020 na may poster kung saan may clue na kilay at bibig ng dalawang singer na sa palagay nga ng mga fan ay sina Sarah at Regine.

Ngayon naman ay mismong si Regine na ang nagbahagi sa kanyang Instagram ng litrato na magkasama sila ni Sarah with caption na “I love this picture #unified feb14&15.”

Wala mang tinukoy ang singer, pero mas lalong lumalakas ang pakiramdam ng mga fan na ito na nga ‘yun. This is really is it!

Maski nga ang kanilang kapwa singer na si Julie Ann San Jose ay halatang excited na kung ano man ang kanilang magiging pasabog dahil nag-iwan pa ito ng comment sa picture ni Regine na “Aahhhhh my queens”.

Naku, isa na naman itong history sa music industry dahil minsan lang ito mangyari kahit madalas silang magsama sa “ASAP” dahil iba pa rin ang power ng dalawa sa entablado kapag concert na ang usapan. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More