Una sa Balita

Sarah-Rachelle-Yeng reunion nagpasaya sa mga fan

0 354

Parang nagbalik sa 2009 ang mga fan nang makitang finally reunited ang mga idol nila na sina Yeng Constantino, Rachelle Ann Go at Sarah Geronimo.

Ibinahagi ni Yeng sa kanyang Instagram ang picture na magkakasama silang tatlo with caption na “Mi labs”.

Matatandaang nag-click noong 2010 ang “YRS” na binubuo nina Yeng, Rachelle at Sarah. Obviously naman, initials nila ang mga letrang pinangalan sa kanilang grupo.

Noong panahong ‘yan ay talagang inaabangan ang kanilang biritan tuwing Linggo dahil napapasabay talaga ang mga fan sa pagkanta ng bawat isa sa kanila.

‘Yun nga lang, lumipat na ang Broadway star na si Rachelle sa kabilang network taong 2010. Pero 2017 naman ay muling namataang magkakasama ulit silang tatlo. Kaya naman ngayong 2020, nostalgic feels ang mga fan nang makitang magkakasama ulit sina Yeng, Rachelle at Sarah.

Maski ang dating “Goin Bulilit” star na si Miles Ocampo ay fan girl mode nang makitang reunited ang kanyang mga idolo.

“Oh myyy! YRS!!!!! Favorite ko po ito sa asap dati, ate!” comment ni Miles.

Samantala, ang ibang mga fan ay humihiling naman na magkaroon sana ng concert ang tatlo since dekada na ang nakalipas nang huling pagsasama nila on stage. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More