Una sa Balita

Sarah pinilahan ng mga basketbolista

0 745

Nagbunyi nga ang mga fan ni Sarah­ Geronimo nang mag-muse siya sa koponan na Phoenix Super LPG Fuelmasters, na kung saan ay siya nga rin ang endorser, sa katatapos lang na 45th PBA Opening Ceremony.

Oh, di ba? Misis na misis na nga si Sarah, dahil kahit sa mga endorsement niya, may kinalaman na rin sa mga pangangailangan sa bahay, lalo na sa pagluluto.

Anyway, nagkalat nga ang video na kung saan ay dinayo, sinugod, dinumog talaga si Sarah ng mga basketbolista ng ibang team, ha!

Fanboy na fanboy nga ang datingan ng mga basketbolista sa inasal nila kay Sarah, ha! Imagine, pati na ang mga kalaban ng team ni Sarah, lumapit sa kanya para lang makapagpa-picture at selfie.

Makikita nga sa isang video na kahit nakapila, nakalinya si Sarah sa team niya, habang ongoing ang program, lumapit sa kanya ang mga basketbolista na nakapulang jacket, at isa-isang nagpa-selfie sa kanya.

Kasunod naman noon ay ang mga ba­rako na nakakulay asul na jacket na pasimple ring nagpa-selfie sa kanya.

At kasunod pa rin ang ibang team, na kahit naglalakad na si Sarah, sandali siyang­ humihinto para lang pagbigyan ng mga nag­lalakihang kalalakihan na gustong magkaroon ng larawan na kasama ang misis ni Matteo Guidicelli.

Nagsilbi ngang parang bodyguard ni Sarah ang mga bossing ng team niya, at pati na rin ang mga basketbolista ng koponan niya.

Naku, eh, ang dami-rami palang mga basketbolisa ang may paghanga kay Sarah.

Sabi nga ni Peter Jun Simon ng Magnolia hotshots na hindi talaga nagpaawat na lumapit at magpa-picture kay Sarah: “Finally! A solo photo with my idol.”

Nakakaaliw nga ang mga comment sa post na iyon ni Peter, dahil buking nga na kahit noon pa pala ay bet na niyang makita ng personal si Sarah.

Anyway, heto nga ang mga hirit ng mga fan sa pagkakagulo ng mga basketbolista kay Sarah.

Lurzii08: “My muse naman sila sa bawat team pero pumunta pa ng team Phoenix para makapag-pic kay SG.”

Realaizagona: “Si Japet sabi niya sa nakakulay blue.. Wait Lang ako muna pumila ako dyan.. Haha ang cute.”

Mamayrhoda26: “Kakaloka ang mga fan-boylings ano daw ahhh basta iba ang glow at ganda ni Mrs. Sarah Geronimo-Guidicelli ngayon mas lalong makaman­dag ayan ang ebidensya sa napakagandang awra ni wifey ni hubby Matteo.”

May mga nagbabanta nga kay Matteo ngayon na dapat ay huwag niyang paiiyakin si Sarah dahil mga naglalakihang basketball player pala ang makakalaban niya.

Marami naman ang masaya na nakikita si Sarah na parang nakawala sa hawla. Dati nga kasi ay parang hindi nai-expose si Sarah sa mga ganyang eksena, dahil ‘di ba nga, maraming restriction, o paghihigpit ang ginagawa raw ni Mommy Divine. May mga tinatanggihan itong project kapag sa tingin niya ay hindi angkop sa kanyang anak.

Well, kung kailan nga nagkaasawa si Sarah, tila mas lumutang pa ang ganda niya. Larawan nga ng isang masayang babae si Sarah ngayon. (Dondon Sermino)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More