Una sa Balita

Sarah pinagtawanan ang paggiling ni Richard

By
0 4,387

Ratsada sa promotion para sa finale week ng La Luna Sangre si Richard Gutierrez. Noong Saturday, kumanta siya sa It’s Showtime, pero hindi pumayag ang mga host na sina Anne Curtis, Amy Perez at Vhong Navarro na palampasin ang pagkakataon na ‘yon para sumalang sa ‘Taga-Saan Ka?’ challenge si Richard.

Nabigla man, cool pa rin na pumayag si Richard sa challenge na ‘yon. Kaya nang sumigaw ang madlang people ng, ‘Taga-saan ka?’ ay sumagot si Richard ng, ‘Taga-kuta ng mga bampira!’

Sumayaw man si Richard, hindi naman bigay na bigay, kaya ang lovey-dovey niyang si Sarah Lahbati na nanonood sa bahay ay tawa nang tawa. Halata kasing awkward ang La Luna Sangre actor sa pinagawa sa kanya.

Nang makausap ko si Richard, nag-dialogue siya ng, “Paano, sa Party Pilipinas pa yata ako huling nagsayaw. Hindi na talaga ako nagsasayaw. Hahaha!”

Sayang nga raw at hindi niya kasama ang anak na si Zion dahil kung nandoroon daw ang bata ay tiyak na sasaluhin siya nito at ang anak niya ang magsasayaw na sobrang game sa sayawan at kantahan.

Eh, noong nag-guest din kasi si Richard sa It’s Showtime, si Zion ang nag-‘save’ sa kanya nang bigla siyang hingan ng sample na kanta.

Samantala, kagabi ang simula ng finale week ng La Luna Sangre at araw-araw na raw ang taping nila.

“Alam ko na kung ano ang magiging ending namin, pero bawal sabihin. Kahit off the record, kaya hindi ako puwedeng magkuwento,” natatawang sabi sa akin ng Supremo.

“Actually, araw-araw ang taping namin. Hanggang Friday, naka-reserve for La Luna Sangre. Kasi kung hindi namin kakayaning matapos hanggang Thursday, sa Friday, may taping pa rin kami ng hanggang hapon para sa ibang matitira pang mga eksena.

“Siguro kung may taping pa nga kami ng Friday, hihintayin na rin namin na mag-air ang finale episode at sabay-sabay kaming manonood,” sabi ni Ric­hard.

Dahil sa La Luna Sangre, sobrang naging close si Richard kay Daniel Padilla. Kapag sila ang magkasama sa set, madalas na tuma­tambay sa kanyang tent ang ka-loveteam ni Kathryn Bernardo at nakikipagkuwentuhan sa kanya.

Interesting to note nga na kung sina Richard at Daniel ay naging close dahil sa La Luna Sangre, ang ate naman niyang si Ruffa Gutierrez ay best friend naman ni Karla Estrada at ang nanay niyang si Annabelle Rama ay kasa-kasama noong araw ang lolo ng young actor dahil nagtrabaho ito kay Bisaya nang nag-aartista pa ang nanay ni Ric­hard, huh!

Regine super promote sa album ni Leila

Palagi kong binibirong ‘SF’ o Stage Father sa anak na si Leila Alcasid si Ogie Alcasid, pero palaging tawa lang ang reaction ng singer/songwriter. Actually, supportive lang talaga si Ogie kay Leila at sobrang tuwang-tuwa ang mister ni Regine Velasquez-Alcasid na may single na ngayon ang kanyang panganay na anak.

Grabe nga kung i-promote ni Ogie ang Completely In Love ni Leila na pwede nang i-download sa Spotify, Amazon at iba pa. Actually, pati si Regine, grabe ring i-promote ang single ni Leila na anak na rin ang turing niya.

Happy nga pala si Ogie na isa sa mga nagta-top sa Spotify Philippines ang Completely In Love single ni Leila.