Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sarah pasilip pinagpiyestahan

0 1,137

NI: VINIA VIVAR

Nakakatuwa naman si Matteo Guidicelli na kahit mag-asawa na sila ni Sarah Geronimo ay para pa rin siyang nanliligaw sa misis at panay ang padama ng kanyang pagmamahal kahit sa social media.

Kahapon ay nag-post si Matteo ng larawan nila ni Sarah na nasa forest (na mukhang kuha noong nag-honeymoon sila recently) at tila inaabutan siya ng asawa ng glass of juice.

Sa caption ay napaka-simple lang ng caption ni Matteo – ang 3 magic words na “I love you” pero sapat na ito para kiligin ang AshMatt fans.

“Ay grabe sila,” komento ng isang fan.

“Ang tamis,” reaksyon naman ng isang netizen.

Pinuri rin ng mga netizen ang “pa-likod” ni Sarah. Sa larawan kasi ay kitang-kita ang bare back ni Popstar Royalty sa suot niya.

“Wow almost backless si madam,” komento ng isang netizen.

“Ang sexy kahit nakatalikod,” sey naman ng isa pa.

Ang isa namang fan ay nagpahayag na looking forward na sila sa “little Matteo” and “little Sarah.”

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.