Una sa Balita

Sarah pantasya ni Billy

By
0 3,697

Lumipat na si Billy Crawford sa Viva Entertainment Inc. matapos ang sampung taon na hinawakan ni Arnold Vegafria ang kanyang career.

‘Wag na daw intrigahin pa ang pag-alis niya sa poder ng kanyang dating manager dahil maayos silang naghiwalay, naging bukas sila sa isa’t isa tungkol sa pagbabagong gusto niyang mangyari sa kanyang career at magkaibigan pa rin sila up to now.

Limang taon ang pinirmahan niya sa management and film company nina Boss Vic del Rosario and Ms. Veronique del Rosario-Corpus kung saan inaasahan niyang mas lalawak pa ang oportunidad niya pagdating sa kanyang hosting career, sa kanyang pagiging recording and concert artists, and maybe, sa pagiging artista, although, hindi niya ito top priority.

Abante Hiring – IT dep

Ang dream project niya for now ay magkaroon ng isang concert with Sarah Geronimo na hindi niya itinangging tagahanga siya nito at itinuturing niya na Beyonce of the Philippines.

Hindi rin siya nahiyang sabihin na siya mismo ang nakipag-meeting kay Boss Vic para tanggapin siya bilang isa sa artists nito along with James Reid, Nadine Lustre, Sarah G/, Luis Manzano and many, many more.

Good luck, Billy Boy!

TJ Manotoc umamin sa pinagdaanang depresyon

Sa totoo lang, isa kami sa mga nakurot ang puso sa inspiring revelation ng news personality na si TJ Manotoc. Sa pamamagitan nga ng kanyang You Will Be Alright video na viral ngayon, ikinuwento ni TJ kung paano niya pinagdaanan ang kanyang depression na isang serious syndrome mula noong siya ay bata hanggang sa siya ay lumaki.

Wala kasing mag-aakala na ang isang katulad niya na galing sa buena-familia kung saan ang lahat ng materyal na bagay na pangarap ng sanlibong kabataan ay parang silver plate na inihahain lang sa kanya, ay sobra pala ang pinagdaanan na dumating pa sa puntong kailangan siyang gabayan ng isang psychiatric doctor.

Ang pinakaugat nga ng kanyang depression ay ang lumaki siya na walang father figure samantalang ang mga ordinaryong pamilya ay buo at masasaya.

Napagtagumpayan niya ang kalagayang ito or else walang TJ Manotoc na naghahatid sa atin ng mga balita sa loob at labas ng ating bansa.

Sa kabila ng impact ng kanyang video sa socmed, meron pa ring nagsasabi na sana raw ay naging mas malaki ang epekto nito noong panahon na ang topic tungkol sa depression dahil sa pag-suicide diumano ng kapatid ni Nadine Lustre at ang pambabatikos noon kay Joey de Leon.

Well, this makes sense nga naman, pero ang importante ay marami ang na-touch ang mga puso’t buhay ni TJ na hope springs eternal nga naman.

‘Yun na!