Una sa Balita

Sarah ninakawan ng halik ng dyowa ni Solenn

By
0 504

Huh? Magkaaway sina Matteo Guidicelli at ang dyowa ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico dahil kay Sarah Geronimo?

Nahuli raw ni Matteo na hinahalikan ni Nico ang Popstar Princess sa noo na ikinagulat at ikinagalit nito?

Sa kanyang IG post, tinanong nga raw ni Matteo si Nico kung ano ang ginagawa nito sa likod niya?

Pero, bago akusahan ng netizen si Nico nang kung ano-ano, joke time lang pala ang lahat, noh! Aware naman si Matteo sa nakaw na halik na yun at siyempre, friends naman talaga sila, noh!

Sa isang post naman ay kita naman na silang tatlo ang magkakasama which means everything is okey. Kini-carry pa nga ni Nico si Sarah samantalang si Matteo naman ay bitbit naman ng isang Chef.

Napadalaw lang si Sarah sa cooking demo ng dalawa kaya sobrang saya sa set.

Very proud dyowa naman si Mat sa suportang ibinigay sa kanya ng kanyang GF sa kabila ng pagiging abala rin nito.

 

May dyowang aktor palihim na nilalandi ang anktres

 

Humihirit pa rin ng text messages ang isang aktor sa dati niyang katrabaho sa kabila ng pagkakaroon niya ng dyowa ngayon. Maaaring friendly text lang ito pero knowing his dyowa, baka mas lalong maging malabo ang kanilang relasyon kapag nalaman niya ito.

Ang aktres na tini-text nito ay dedma rin lang dahil maging siya’y alam niyang pakikipagkaibigan lang naman ito.

Naiilang lang siya kapag may dayalog ito na huwag nang pag-usapan ang tungkol sa dyowa niya dahil mas feel niya na magkumustuhan na lang sila.

Siyempre, naniniguro lang ang aktres dahil ayaw niyang maintriga siya dahil gusto niya ay tamihik lang na buhay. Kaya bago pa man siya mahiritan nang kung anik-anik ng aktor, pinili na lang nito na payuhan ito na mahalin ang dyowa niya at ayusin kung may problema sila lalo na’t magkasalungat ang kanilang istasyong kinabibilangan.