Una sa Balita

Sarah nakatikim ng sampal, sabunot kay Direk Joyce?

By
0 1,325

Ang ‘Miss Granny’ ang huling pelikula na ididirek ni Joyce Bernal ngayong 2018. “Hindi muna ako magdidirek. Hindi naman­ ako napapagod. Actually fired up nga ako ngayon. Tingnan muna natin next year, mga third quarter.

“Pero sa pagpu-produce, tuloy-tuloy lang. Ang dami nating mga direktor na sila naman ang bigyan natin ng chance,” sabi ni Direk Joyce.

Malaki ini-expect ng mga fan sa Miss Granny, dahil sikat nga ang kuwento nito, at katunayan ay ginagawa na rin ang Hollywood version nito.

“Malaki ba? Pero wala naman pressure sa amin.”

Kasi nga magaling kang direktor.

“Sige, magpapa-raffle­ ako. Hahahaha! Pero, magaling si Sarah (Geronimo) dito. I think it’s her best… kung hindi si Sarah ito, hindi ko alam kung sino pa. Siguro kung hindi si Sarah ito baka hindi ko rin tinanggap. Siya talaga ‘yung karakter.

“At naniniwala ako when it comes to ano… na kaya niyang i-take yung role na ‘yon. At saka marami siyang brineak sa image niya na ginawa niya rito. Nakakatuwa lang ang ginagawa niya.

“Ibang Sarah ito. Pero bubbly at masaya pa rin ang movie, but medyo matanda ang kilos niya, ‘yung lumang tao talaga, kaya pati itsura niya.

“Magkakilala naman kami. Nabigay naman niya ang trust niya sa akin. Marami siyang binigay, marami siyang pinag­laban.”

Ikaw ba ang tipo ng direktor na dapat perfect ang akting ng artista mo? Na kapag hindi naibigay ang gusto mo, nananabunot, nananampal?­

“Baka puwede ring umabot sa ganu’n kung tatanga-tanga ang artista.­

“Magkakaiba kasi ang creative process. Ang creative meron siyang­ kind and unkind part, at parehong nangyayari ‘yon.

“Craft kasi ito, so passion. So hindi mo alam kung saan ka lalampas, o kung saan mo iti-tame ang sarili mo. Pero para sa akin, ‘pag nasa creative process ka, hindi ka dapat nagti-tame, kailangan all-out ka na. Kesehodang sabihin na parang sumusobra ka na, you have to take that risk.

“Pero dito hindi ako umabot doon. Hindi ko siya nasabunutan. Hindi ko siya nasampal. Ginawa naman kasi niya ang lahat.

“Hindi siya ‘yung parang nagpa… na hindi ko puwedeng gawin ‘yan, walang mga limitasyon. Umpisa pa lang, sinabi ko sa kanya na wala akong ipapagawa sa kanya na ano, pero tama lang ang movie na Miss Granny, at hindi naman ito seksi.

“Ang talent ni Sarah sa pagkanta napaka-sincere. ‘Yung gusto mo siyang panoorin, gusto mo siyang kumanta. Hindi ‘yon naibibigay ng direktor, hindi nabibigay ng kung sino man, nasa iyo talaga ‘yon. And I guess it’s her love sa craft niya, passion sa acting, ‘yun ang nilalabas niya.