Una sa Balita

Sarah nagselos sa bromansa nina Matteo, Nico

By
0 2,110

Nahawa na rin si Matteo Guidicelli ng humor ng Mister ni Solenn Heusaff na si Nico Bolzico.

Magkasama sina Matteo, Sarah Geronimo, Nico at iba pa nilang mga kaibigan sa Palawan noong nakaraang Holy Week.

Obviously, nag-enjoy nang husto sa company ng bawat isa ang mga ito. Kahit kasama ni Matteo ang girlfriend, walang kaduda-duda na nag-enjoy si Matteo sa company ni Nico.

Sa Instagram post ni Matteo, nakuha nitong magbiro na nagkakaroon daw siya ng separation anxiety sa Mister ni Solenn at parang nagseselos na raw ang girlfriend niya.

“Whatsup bra @nicobolzico! I’m having separation anxiety after our trip, I think my girlfriend is getting a little jealous.”

May na-coined pa itong pangalan nilang dalawa as hashtag na BolziCelli.

Aliw naman ang mga netizens sa palitan nila ng hirit. May nangsi-ship na rin sa kanila as if loveteam na, bagay raw na bromance. May nag-hashtag pa na #couplegoals sa dalawa.

But since very rare lang din naman maging open sa social media sina Matteo at Sarah, hindi nakaligtas sa mga fan nila ang caption ni Matteo at super kinikilig daw sila sa pagka-caption ni Matteo ng girlfriend kay Sarah siyempre.

Yes, girlfriend pa lang lalo na’t itinanggi na rin ni Matteo na may proposal na naganap sa bakasyon nila sa Palawan.