Una sa Balita

Sarah, Matteo nagpakasal nang lihim sa Bali?

0 508

Spotted ang lovers na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa paliparan patungong Bali, Indonesia, at ang mas bongga pa riyan ay silang dalawa lang!

Karaniwan kasi ay nakikita ang dalawa na may third wheel o ‘di kaya’y kasama ang magulang ni Sarah, pero ngayon nga ay silang dalawa lamang.

Natiyempuhan ito ng isang fan at hindi natiis ang kilig, kaya naman ibinahagi niya ito sa kanyang Twitter na lumikom naman ng napakaraming likes, retweet at reply.

Ang pagbabakasyon ng dalawang Kapamilya star ay kanilang anniversary getaway umano.

Pero ang nakakaloka riyan ay ang isa pang komento ng isang fan na inintriga ang dalawa na baka umano may secret marriage na naganap. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy